"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
32 parts Complete Pag-ibig sa Bayan o Pag-ibig sa Taong Iyong Pinakamamahal?
Sa panahon ng digmaan, dalawang uri ng pag-ibig ang naghahati sa puso-ang pag-ibig para sa bayan, at ang pag-ibig para sa taong pinipili ng iyong damdamin.
Si Remedios, isang dalagang marunong magmahal ngunit takot magtiwala, ay nahulog sa piling ng isang bayani ng rebolusyon-si Gregorio del Pilar, mas kilala bilang Goyo. Sa kanyang kabayanihan, siya'y itinuturing na Romeo ng rebolusyon-isang sundalong iniidolo, ngunit kilala rin sa dami ng "Juliet" sa bawat bayang kanyang tinatahanan.
Ngunit sa likod ng bandila at digmaan, kaya ba talagang matutunan ni Remedios na ipagkatiwala ang puso niya sa isang lalaking minamahal ng bayan-ngunit pinagdududahan ng kanyang damdamin? Mapipili ba niya ang pag-ibig sa bayan, o ang pag-ibig na minsan lamang dumating?