Sabi nga nila, sa hinaba-haba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. At ayun nga, tapos na ang prusisyon. At tapus na rin ang kasal. Nakagpaglitan na ng kanilang mga "I do" at "I love you" sina Aldear at Dubby. At ang pinakaimportante sa lahat, legal na ang kanilang habambuhay na pagmamahalan. Tuluyan na ngang walang nakapigil sa kanilang dalawa. At anu pa nga bang susunod after ng kasal? Edi honeymoon! Sa isang private at sikretong island sa bansa, napagpasyahan nina Aldear at Dubby na icelebrate ang kanilang pag-iisang dibdib. Sa loob ng isang buwan, mamumuhay sila rito tatangkaing bumuo ng masayang pamilya. Pero sabi nga nila, mas makikilala mo raw ang kabuan ng pagkatao ng taong mahal mo kapag nasa iisang bubong na lang kayo. Nalaman ni Aldear na daig pa ng motor kung humilik si Dubby. Nalaman naman ni Dubby na may pagkaburara at pagkamakalat si Aldear sa gamit. Sa pagmamahalang saksi ang buong mundo, meron pa kayang hindi alam sina Aldear at Dubby sa tungkol sa isa’t isa? At kung meron nga silang hindi pa alam tungkol sa isa’t isa, paano na ang sumpaang “Mamamahalin kita habambuhay—as in forever and ever and ever and ever.”? At bukod pa riyan, sila lang ba talaga ang nasa isla? O… meron pang ibang makikigulo sa kanilang honeymoon? Iyan at iba pang mga katanungan ang sabay-sabay nating tutunghayan dito sa kwentong bumasag sa kasabihang #walangforever. Ito ang kwentong medyo bawal sa bata ang title pero pwedeng basahin ng mga bata ang nagfifeeling bata, FIFTY SHADES OF ALDUB.