Napapikit ako ng mariin dahil sa ingay. tawanan..palakpakan ng mga agents at ng iba pang mga bisita. Masaya, dapat masaya. Pero bakit wala akong maramdaman? Muli Kong tinignan ang bagong kasal na sina Hermes at Storm. Bakit kumikinang ang mga mata nila? yun na ba yung pag-ibig? yun ba? Bakit ba kasi wala akong maramdaman. "..Ace, halika ka na. Picture with the newly weds.." tawag sa akin ni Hera. Katabi nya si Athena na may dalang lollipop. pati mga mata nila kumikinang din, eh Hindi naman sila ikinakasal. napapikit ulit ako. Bakit ba kasi ako walang alam? Hindi na ako nakakibo nang hilahin ako ni 0cean papunta sa may altar. Naroon na kasi ang lahat ng junior agents na magpapapicture. umiling ako. kakaiba. Nakailang shot na rin ang photographer pero nanatili akong nakayuko at nakikinig sa masasayang boses ng mga tao sa paligid ko. "..Miss na naka jeans..tingin ka sa Camera..", sigaw ng lalaking may dalang Dsl. Nang magtaas ako ng tingin ay sya namang pagkalat ng nakakasilaw na liwanag. Hindi ito ang mundo ko.. hindi ako kabilang dito..pero narito ako kasama ang aking mga kaaway. Bakit??? Ako si Ace, isang pasyenteng walang masyadong maalala. Nagtatrabaho ako dito sa "Craige's" This is my story and I am a part time agent of BHOCAMP.