Paano na lang kung isang araw, bigla ka na lang nagising mula sa matagal na pagkakahimbing at lahat sila sa harapan mo’y nataranta. May umiyak at meron ding hindi mapigilan ang saya. Pilit nilang tinatanong kung naaalala o nakikilala mo sila. Lahat sila’y oo ang sagot mo, maliban sa isa. Bukod tanging siya lang ang hindi mo makilala.