Lahat tayo ay malayang gumawa ng bagay na alam nating tama. Pero tama ba na maghigante tayo?
Tama ba na gawin nating malademonyo ang buhay ng isang tao?
Pagtitiwala sa maling tao, pagtatraydor, pagwasak sa isang pamilya, ay ilan lamang sa mga bagay na dahilan ng paghihigante ng isang tao.
Kung minsan hindi natin masisisi ang mga tao na gustong maghigante dahil rin yon sa mga naging karanasan niya, isang masamang karanasan.
Kaya kung minsan, kailangan natin malaman ang karanasan ng taong naghihigante bago natin sila husgahan. At, imbis na husgahan natin sila ay mabuti pang tulungan natin silang makawala sa sakit na kanilang naranasan sa kanilang buhay na naging dahilan ng paghihigante nila.
Kaya bang palitan ng pagmamahal ang nagumpisa sa pagkamuhi?
Kaya mo bang mahalin ang taong walang iba ginawa kundi ang saktan ka?
Kaya bang magpatawad ng puso na durog na durog na?