Marami akong gusto masubukan... gaya ng Ma- inlove Sa sobrang kagustuhan ko tinanong ko si Papa God kung kelan ko makikita ang lalaking yun. Minsan narin akong Humiling na sana one day may makilala ako na isang lalaking pasok sa standard ko. Pero tinatanong ko sarili ko "Ready na ba ako sa Heartbreaks?" Bakit nga ba kasi kaylangang pag pumasok ka sa Love eh kaylangan mo ding umiyak?bakit Laging may nag le-Let go, nagpre-pretend at may iba umaasa? Ang hirap maramdaman na sa inyong mag kakaibigan ikaw lang ang wala, WALANG LOVELIFE... Ako?Minsan lang ako kiligin. Panandalian pa. Lagi na lang ako ginagamit para pagselosin mga babaeng gusto nila, ganyan naman nagyayari sakin eh. Kelan ko kaya mararamdaman ang totoong LOVE sa lalaking pinapangarap ako at pinapangarap ko.