Si HAILEY SAMANTHA SALAZAR ay isang simpleng babae. Galing siya sa probinsya ng Isabela, sa bayan ng Benito Soliven. Lumipat sila sa lungsod ng Maynila dahil sa umuunlad nilang negosyo.
Minsan na siyang nagmahal, nakasakit at nasaktan. Iniwan niya ang taong mahal niya sa paniniwalang, "karapatang sumaya nito at makasama ang taong mahal niya, 'yong nasa tabi niya lang, hindi 'yong tulad niya na nasa malayo."
Kasabay ng pagdating niya sa Maynila ay ang pagdating ng mga bagong tao sa buhay niya. Isa na rito ang pagdating nina;
NIKA at MIKA - ang kuwelang kambal na tumayong pinakamatatalik na kaibigan niya sa Maynila;
SABRINA SANTOS - ang babaeng hinahangaan niya sa taglay nitong kagandahang mukha at pag-uugali. Isa rin itong mahusay na tagapayo. Itinuring din niya itong isang espesyal na kaibigan.
D'GwaPITOs - ang pitong mga lalaki na matatalik na magkakaibigan na kinabibilangan ng mga gwapo, sikat, mayaman, maimpluwensya at mayabang na kalalakihan.
YHANZ EMMANUEL SAAVEDRA - ang lalaking mayabang at kinaiinisan ni Hailey sa grupo nila. Binansagan ng mga kaibigan niya na "The Man Who Can't Be Moved" dahil sa tagal nitong makapag-move-on sa first girlfriend niya, si Katherine. Mahal na mahal niya pa rin 'to kahit na may iba na 'tong kasintahan. Gagawin niya ang lahat para lang bumalik sakanya si Kath.
Sa tingin niyo, ano kaya ang magiging role ni Hailey sa plano ni Yhanz na makuhang muli si Katherine?
*******
Published On: Thursday || November 05, 2015 || 06:30 PM
Published By: @ohsofabuousayah (AYAH MIRACLE BLUE)
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.