Kumpas
  • WpView
    LECTURAS 230
  • WpVote
    Votos 0
  • WpPart
    Partes 9
WpMetadataReadContenido adultoContinúa
WpMetadataNoticeÚltima publicación mar, nov 29, 2016
Sa isang bayan na puspos ng kapalaluan, ang interes ng isa ay interes ng lahat. Ang lahat ay nais magtamasa ng karangyaan. Ang lahat ay nais maghari-harian. Ang bawat isa ay ayaw palamang, at handang lipulin ang sinumang hahadlang sa kaniyang adhikain. At sa iilang pinagkaitan at inisahan, iisa lang ang kanilang nais: ANG MAKAPAGHIGANTI. -♦- Sampung taon matapos ang pagkamatay ng panganay na kapatid na si Rosendo Blas IV, papasukin ni Ralph Adrian ang masalimuot na mundo ng mga sindikato upang matunton ang utak sa pagkamatay ng kapatid. Mahanap kaya niya ang inaasam na katarungan, o magiging mailap kaya ito sa kanya? -♦- Ang mga tauhan at ilang pangyayari sa akdang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakatulad ng alin man sa mga ito sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. (Audio credits to their respective owners) © Ashton Canlas | All Rights Reserved.
Todos los derechos reservados
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • Second Hand Love (Completed)
  • Fence Academy: Living Flesh (Flesh 2)
  • Totally Obssesed (Completed)
  • The Vicious Agent (Freezell #9) [Completed]
  • Di Ka Nag-iisa {COMPLETED}
  • Love As A Weapon (Season 1)
  • The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
  • Killua, My Bodyguard.
  • (Agent Series 8) The thief and the agent
  • AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished)

Pagpapanggap at pagkukunwari. Ito ang kanyang expertise. Ang kanyang kabuhayan. Bilang undercover agent ng isang highly classified agency ng pamahalaan ng Pilipinas na sumusugpo sa pagkalat ng mga ipinagbababawal na gamot, kinailangan ni Celestine "Les" Rosete na bumalik sa baryong sinilangan at kinalakihan at magpanggap bilang isang teacher upang lihim na imbestigahan ang natanggap nilang impormasyon na may namumugad ditong isang malaking drug syndicate. Subalit ang kanyang pagpapanggap ay natuklasan ni Roman, ang lalaking pinagkalooban niya ng matamis na oo subalit pinagkaitan ng pagmamahal noong sila ay nasa high school pa lamang. Ang lalaking ginamit niya ang pagmamahal upang makamit ang pagmamahal ng iba. Roman Jovencio, the man with the sexy walk at isa ng matagumpay na negosyante. Pumayag ito sa kanyang pakiusap na itago ang kanyang lihim, for a price. Magpapanggap silang magkasintahan at gagawin nila ang mga bagay na ginagawa ng magkasintahan na ipinagkait niya dito noon. Sa lahat ng hinawakang assignment, pinaka-mahalaga para kay Les ang mabuwag ang sindikatong unti-unting lumalason sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kababaryo. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ni Roman. Wala rin siyang nagawa ng mabihag nito ang kanyang pihikang puso. Ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan. Sa piling ni Roman, naranasan niya kung paano magmahal at mahalin ng walang kapantay, natuklasan ang isang tunay na pag-ibig na naging lahat sa kanyang buhay. Kaya paano niya tatanggapin ang sinasabi ng ilang kakilala na isa lamang siyang second hand love? Na ginawa lamang siyang pansamantalang pamalit ni Roman habang hinihintay na bumalik sa bansa ang babaing tunay na minamahal at nakatakdang pakasalan. Ang lahat ba ng kanilang pinagsaluhan at maging ang pagkatao ni Roman ay pawang pagpapanggap at pagkukunwari lamang?

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido