31 parts Ongoing MatureSa apat na pinakamakapangyarihang paaralan, iilang pangalan lang ang tunay na naglalaban-hindi lang para sa tropeyo, kundi para sa pride, kapangyarihan, at paghihiganti.
Si Maria Odesa Conception-matalino, disiplinado, at tahimik na bunso ng isang pamilyang kilala sa yaman at dangal. Sa kabila ng lahat, isang simpleng pangarap lang ang nais niya: kalayaan. Pero paano kung ang kalayaang hinahangad niya ay konektado sa mga taong itinuturing na banta sa kanyang mundo?
Then there's Leon Marc Castellano-ang misteryosong bad boy na laging nadadamay sa gulo dahil sa apelyidong pasan niya. Hindi siya ang tagapagmana, pero siya ang laging nauuna sa mga laban na ayaw naman niyang salihan.
At si Kael Adrastos Navarro-lalaking puno ng galit, trauma, at lihim... pero tanging si Maria lang ang kaya niyang igalang at ituring na liwanag sa kanyang madilim na mundo.
Isang kompetisyon ang maglalapit sa kanila.
Isang gabi ang magbabago ng lahat.
At sa gitna ng tunggalian, tuksuhan, at mga lihim...
Puso na ang magiging tunay na kalaban.