"Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako yung problema! Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan...Sana kaya ko nang tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi ako namili nito diba? Ako yung may gusto...Sana kaya ko nang sabihin sa iyo na masaya ako para sa iyo, para sa inyo...Sana kaya ko...Sana kaya ko, pero hindi eh...Sama sama kong tao kasi ang totoo, umaasa pa rin ako sa piling mo...Sana ako pa rin...Ako na lang…Ako na lang ulit..."