The Naughty Lady of San Nicolas
  • Reads 2,100
  • Votes 88
  • Parts 14
  • Reads 2,100
  • Votes 88
  • Parts 14
Ongoing, First published Nov 07, 2015
Mabait si Quene. Alam na alam niya ang bagay na iyon at walang kokontra. Sa katunayan, sa sobrang bait niya (isali na rin ang pagiging maganda, maraming salamat sa inyong lahat!), sinamahan niya si Faith sa San Labrador. Ilang linggo pa niyang nakasama ang babae ngunit hindi na siya nakatanggi nang magpasama ito. Isang ebidensya na mabait talaga siya.

Sa San Labrador, nakilala niya si Demetrio, ang stalker niya. Sa pagkakaalam niya, wala pa naman siyang ginawa (sa ngayon) upang magkandarapa ang lalaki sa kanya. Kahit saan siya magpunta, sa kagubatan man o sa sementeryo (walang pinipiling lugar ang lalaki) buntot na buntot pa rin ito. 
Nang magsawa sa ginagawa ng lalaki, hinarap niya ito at harapang tinanong kung atat na atat na ba talaga itong ligawan siya. Didiretsuhin na niyang hindi pa siya handa sa bagay na iyon. Bubot pa lamang siya. Kailangan na muna siyang diligan nang diligan hanggang sa mamukadkad.
Ganoon na lamang ang pagkalaglag ng panga niya nang magkamali siya. Hindi pala niya stalker ang lalaki. Hindi rin ito deds na deds sa kagandahan niya (siya na ang dyosa) binibigyan lang siya ng babala. 

Mag-ingat daw siya. Pagsapit ng alas-dose ng tanghali, iaalay ang kagandahan niya sa diyos ng kagubatan. 

Diyos raw ng kagubatan. Sinong niloloko nito? Ang kagandahan niya? Oo nga't pang-alay ang kagandahan niya pero malaki na siya at matalino upang maniwalang walang diyos ng kagubatan.
Asus. Huwag siya. Taktika lang iyon ng lalaki upang siya naman ang magkandarapa. Gusto nitong maging isang knight in shining armor niya samantalang siya naman ang magiging damsel in distress.

Ngunit sinampal siya nang malakas ng katotohanang hindi pala ito nagsisinungaling nang  ialay siya mismo ng mga kapitbahay ni Faith. 
Ngayon, makakaya pa kaya niyang gamitin ang alindog upang iligtas ang sarili? O mas gugustuhin na lang niya na sana si Demetrio na lang ang nanghahabol sa kanya?
All Rights Reserved
Sign up to add The Naughty Lady of San Nicolas to your library and receive updates
or
#701ghost
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
In Case You Die (A Collaborative Novel) cover

In Case You Die (A Collaborative Novel)

29 parts Complete

Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sullivan, the girl he is willing to save from a rogue soul no matter what it takes. *** After taking over a private investigator business, Lawrick Stryker makes a name for himself in the city of Creos. His cases have a hundred percent success rate, but solving them comes with a hefty price. Clients pay no matter the cost, and Lawrick makes the most of it, for he can find anyone here and in the afterlife. He usually dissociates himself from his clients, but when he meets company heiress Alvis Sullivan, all hell breaks loose. Now interested in the correlation of Alvis to the recent deaths in Creos, Lawrick decides to make a move. Can Lawrick solve this case and catch the rogue soul wreaking havoc in Creos before it's too late? Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English. Cover design by Louise De Ramos.