Sa realidad ng buhay, ang mundong ating ginagalawan ay puno ng kasakiman. Hindi ba't kahit anung kabutihan ang gawin mo hindi no'n matitiyak kung iyon rin ang maisusukli saiyo. Sabi nga ng karamihan nasa tao ang gawa at nasa diyos ang awa. Kung magkagayon man, ibig lang nitong iparating na hawak ng tao ang kanyang kapalaran. Siya ang siyang nagdidikta at siya rin ang gagawa ng sarili niyang tadhana. Si Vixen Fordell ay isang babaeng may sariling paninindigan. Para sakanya sinumang taong magpapakita ng kahinaan ay mananatiling mahina. Wala sa bukabolaryo niya ang salitang awa at pagsisisi. Hindi siya nabubuhay para sa iba at tanging sarili lamang niya ang mahalaga. Ano mang nais niya ay iyon ang nakatakdang masunod at walang sinuman ang tiyak na makapagpapabago nito. Samantalang para sa isang Riv Helix nararapat ang salitang kamatayan sa mga taong walang pakinabang sa mundong kanyang ginagalawan. Wala sa hinagap ng kanyang pananaw ang salitang pangalawang pagkakataon. Hindi siya kumikilala ng diyos, at walang sinumang makapagdidikta sakanya ng tama at mali. Lahat ng kanyang kagustuhan ay dapat matupad, sinumang hahadlang nito ay siguradong impyerno ang kahahantungan. Dalawang taong parehas kakikitaan ng katapangan at kapangahasan, ngunit hanggang saan nila ito mapapanindigan? Tunay nga bang tadhana ang siyang nagdidikta kung magkatagpo ang landas nila?All Rights Reserved
1 part