Sino ba naman ang hindi ma iinlove sa napaka-gwapong si Ryuunosuke Akira Michi Salvador, a.k.a "RAM Salvador". Bukod sa matangkad, gwapo at mayaman, si RAM ay isang basketball player at top student sa St. Ignacio Academy. Lahat nalang ata ng babae at bakla sa campus siya ang dream boyfriend. Pero kung ang girls at gays ay dream nila si RAM, sa boys naman isa siyang nightmare. Huwag na huwag kang maglakas loob na kontrahin o lumaban kay RAM baka kinabukasan dead meat ka na. Joke! Hindi naman daw killer si RAM, siya lang daw yung tipo ng lalaki na bad boy at maginoo pero medyo bastos. Kaya nga ako simula pre school hanggang ngayon at habang buhay super duper love ko yang si RAM. Pero siya hindi ako bet, wala namang mali sa akin, maayos naman ako yun nga lang hindi ako pinapansin ni RAM. Kailan ko kaya masasabi kay RAM na "I Got You".