"Ang Tula Ko Para Sa'yo"
Ang tula kong ito ay alay ko para sa'yo,
Kung paano nabuo ang nakakakilig nating kwento.
Bagamat maikli ito, naging parte ka ng buhay ko,
At di ko pinagsisisihan na ika'y nakilala ko.
Ang tula kong ito ay alay ko para sa'yo,
Kung saan tayo nagsimulang magtagpo.
Si Tadhana na nga siguro ang nagbigay sa akin sa'yo,
Para ibigin mo at ika'y ibigin ko.
Ang iyong ganda ay kaninuman di maikumpara,
Marahil tayo ay bagay, ako ang kulisap at ikaw ang lampara.
Mas naisin kong mamatay kaysa puso ko ikaw ay mabura,
Hindi ka lolokohin itapon na ang 'yong duda.
Sinabi ko liligawan kita ngunit sinabi mo,
"Huwag ka na magtangka, dahil ayoko,"
Ako'y nasaktan at nagbigla sa sunod na sinabi mo,
"Ayokong manligaw ka, dahil ika'y sinasagot ko."
Bawat araw puno ng ligaya at pagmamahal,
Akala ko di mapuputol at ito'y pangmatagalan.
Lumipas ang 5 araw ng ating ikatlong buwan,
Tumigil ang mundo sa aking nalaman.
Ang tula kong ito ay alay ko para sa'yo,
Para sa araw na ako niloko mo.
Minahal kita ng lubos ngunit ano ang sinukli mo,
Anong wala sa akin at nagawa mo ito?
Sinundan mo ako sinabi mo, "Patawarin mo, di ko sinasadya,
Akala ko lolokohin mo ako kaya ko ito nagawa.
Patawarin mo ako at ako'y nagkasala,
Ako'y nanloko at di ka pinagkatiwala."
A collection of random poetry,
For anyone who feel empty.
The compilation of unspoken words that spoken thru poetry.
#FREEVERSE
Most Impressive Rank:
#1 in Spoken Poetry as of 2020
#2 in Spoken Poetry as of January 28, 2020
#3 in Spoken Poetry as of September 11, 2018