Ito ay isang storya na 'di ko maipapangakong may katotohanan pero kahit papano meron naman. hango sa pinagsama samang karanasan ng kung sino na baka isa ka. sa mga naniniwala sa destiny, forever, the one at kung ano ano pang kalokohan na ituturin dahil lang wala ka. Si Mari, isang art student na andami daming gusto sa buhay. Si Jean na high school sweetheart at current boyfriend ni Mari at si Vaughn na bigla bigla nalang sumulpot sa dalawang naunang karakter, isang misteryosong lalaki na nagpatibok ng puso ni mari sa kabila ng pagkakaroon ng forever ng "marijean". Sa isang 'di inaasahang pagtatagpo makekwestyon ang oras o tagal ng pagsasama ng dalawang nagmamahalang tao dahil maaring 'di sila ang para sa isa't isa, o isa na naman lamang itong pagsubok para sa kanilang dalawa?