Samuelle Rae Lopez Vega. Almost 21. Philippines. Born and raised in Laguna. I love The Beatles. I hate my life. All you need is LOVE is all you need! But why am I so alone, lonely, broken. This is a story about a boy meets girl. Erased. This is a story about a girl who meets a boy and everything in between. PROLOGUE Pinahid kong maigi ang mga luha ko. Nasira na rin ang make-up ko dahil sa kaiiyak. Last na ‘to. Hinding-hindi na ‘ko iiyak ng dahil sa kanya. Kung ayaw niya sa ‘kin, eh di bahala na. Kaya kong mabuhay ng wala siya. Hindi ko kailangan ng tulong niya. Magang-maga na ang mata ko. Nagmistulang zombie ang aking itsura sa pagkalat ng mascara sa aking mukha. Sinubukan kong ayusin ang sarili habang nakatingin sa salamin. Sinuklay ang mahaba kong buhok na nagkabuhol-buhol dahil sa pagdadrama kanina. Naglagay ako ng konting powder at ng blush-on. Nilagyan ko rin ng pink lipstick ang mga labi ko para magkaroon ng kulay. Humarap ako sa salamin sa muling pagkakataon at pabulong kong sinabi, “Kaya mo ‘to, Samuelle. Hindi ikaw ang nawalan.” Dali-dali akong lumabas ng CR ng Starbucks. Kalmado na ako sa pagkakataong ito. Pumila ako para maka-order sa counter. Alak sana ang solusyon para mas madali akong makalimot ngayon pero wala rin naman akong makakasamang uminom. Hindi ako pwedeng pumunta sa mga kaibigan ko dahil anong sense ng pagtatago ko kung magpapakita rin lang ako sa kanila. Instead na alak, espresso ang o-orderin ko. Magpapakalunod ako sa paborito kong kape. Hindi man ako malalasing nito, masisiyahan naman ang panlasa ko...
1 part