Pitong araw,napaka importante niyan para sayo,ibig sabihin may seven days ka nalang para magsaya,para ma late sa klase,magsuot ng itim na damit,mag drive sa itim mo na sasakyan,makasama ang bestfriend mong nerd at syempre pamilya mo.Saka advice ko nalang sayo mag boyfriend ka kaya para naman sa pitong araw na natitira sayo sa mundong ibabaw ay matikman mo naman ang magkaboyfriend. Alexia Yran is my full name but just please call me Alex,mas madaling sabihin at mas astig pakinggan. Punk o Emo,yan ang madalas na description nila sa amin.Gusto ko yong punk,never mind the emo,hindi ako emotional na babae.Madalas lumalabas sa bibig ko ang mga masasakit na salita,hindi ko yun kasalanan,talagang ito ang gift ni Lord sa akin(sorry Lord ginamit ko name mo ✌). Pero ng e informed sa akin ni Mr. Evan, no family name ang deadline ng buhay ko. Buong puso kong tinanggap iyon....Just kidding..hindi nuh LALABAN ako.