9 parti In corso "Sabi nila 'wag kang mahulog sa mga taong tahimik... kasi dun ka malulunod nang walang babala."
Akala ni Aya, sapat na ang survival skills niya para sa senior high school tulog sa values class, at deadma sa mga pa-blush moments. Pero isang hallway banggaan lang ang nagpabago sa lahat. May chalk dust, slow-mo eye contact, at isang mysterious seatmate na parang galing sa fanfiction: si Jeo.
Kasama ang bestie niyang si Solene-queen ng sarcasm at caption-worthy hugot-susubukan ni Aya na hindi bumagsak sa subject na "Feelings." Pero kapag ang puso mo na ang quiz master, pwedeng mas mahirap pa ito kaysa sa math finals.
May kilig sa gitna ng quizzes, may screenshot sa bawat blush, at may pa-hulog na hindi mo kayang iwasan. Handa ka na bang mahulog sa kwento kung saan hindi mo alam kung love letter o class recitation ang laman ng notebook mo?