Si Michael Christian Pelayo, 17 years old at isang mabait at marangal na lalake, ay for the first time na-in love sa babae. At iyun ay si Mayuri Leigh Madrigal (Mayu o Maddi for short) na nag-aaral sa isang malaki at prestihiyosong paaralan; ang Votum Apricum Academy. (Hope for Light of Day) Mahirap lang si Michael. Ubod naman ng yaman si Mayuri. Parang langit at lupa silang ituring. Ma-typical na romansya, 'di ba? E kung sabihin nating isang HARDCORE na FUJOSHI ang babae? "Fujoshi? Ano yun?" Napakamot sa ulo si Mike. Paano na kaya makukuha ni Michael ang pagmamahal ni Mayuri? *Fujoshi(rotten woman): Mga babaeng mahilig sa yaoi/BL (BoyXBoy)