Jan Agnes Micael E. Lobos here!! Do not call me "Jan", parang wag "Jan" may kiliti ako "Jan" haay sige corny na kung corny, pero ganun talaga masayahin akong tao eh "daw" siyempre kapag masayahin ka, may malaking problema ka. Parang ako, masayahin nga ang laki naman ng problema ko. Nasa ibang bansa kasi ang daddy ko, meron naman akong tinitirhan no kaso nga lang, ang namumuno ng tirahan ko ay ang step mother ko. Kung sasabihin ninyong Cinderella Story ito, ay nako! Nagkakamali po kayo, di ako katulad ni Cinderella na makakakita ng Prince Charming niya sa isang ball. Normal lang naman ako no, pero siyempre di din abnormal. Naniniwala ako sa mga fairytales pero di ako umaasang mangyayari sakin ang mga katulad nila Ariel, Cinderella at iba pang princesa sa buong disney. Simple lang ako, di ko na kailangan pang sugatan ang sarili ko sa isang sewing machine at matulog ng matagal para lang makilala ko ang prince charming ko no. Sa generation ngayon? Nako! Sa text text nalang nag mamahalan at nagbbreak.