Isang babaeng hinubog ng karanasan. Sinubok ng pag-ibig at panahon. Hinulma ng pag-iisa at pagkabigo. Isang babaeng hangad lang ay atensyon, na kailangan niya sa tuwing mag-isa. Isang babaeng hangad lang ay kalinga, na nakalimutang ibuhos ng kanyang mga magulang sa kanya. Isang babaeng hangad lang ay pagmamahal, na kailanman ay hindi niya natanggap sa iba. Isang tadhana ang magdadala sa kanya sa isang lugar. Lugar kung saan matatagpuan niya lahat ang mga kinakailangan niya. Atensyon, kalinga at pagmamahal. Pero paano kung dumating ang araw na kailangan na niyang lisanin ang itinuring niyang paraiso? Lisanin ang lugar na nagbigay sa kanya ng atensyon na kailangan niya? Kalinga na hindi naipadama ng iba? At pagmamahal na ipinagkait ng mahabang panahon sa kanya? Makakaya kaya niya?