"Sa lahat ng umasa, ako na ang pinaka tanga. Biruin mo ba namang mahulog ako sa isang kaibigan na may pagtingin sa iba? At ang masaklap pa, ngayong nadudurog ang puso ko sa bawat iniwan mong alaala, wala man lang akong kaide-ideya kung sino ka." --- ANDREA LIU "Di ko naman sinadya. Di ko naman alam na umaasa ka na pala. Ang alam ko lang, sa lahat ng pinakita ko sayo, di mo pa rin magawang makita na may gusto din ako." --- KAI Kwento ng dalawang taong patutuloy na nagpapakatanga at umaasa sa isa't isa. Kwentong magpapahiwatig ng mga sintomas ng paasa at umaasa, muling maguugnay sa dalawang taong lumimot at nakalimot, pagtatagpuin ang tumalikod at tinalikuran, at magtuturo kung paano pagalingin ang pusong sugatan at mamamatay na.