Pinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang nabuo sa puso ng isa, ngunit sa mata ng lalaking mahal niya isang babae lang ang nakaukit sa puso't isipan niya at hindi siya ang babaeng iyon kung hindi iba. Kaya nang sumibol ang pag-asa, hindi na siya nagdalawang-isip na kapitan na. Kapitan at 'wag nang bitawan pa. Ngunit... gaano nga ba kahirap na lumaban pa kung ang kalaban mo ay ang tadhana na?