Habang umaagos ang mga luha ni Chriselle ay napaisip siya, 'bakit ba ang mga lalaki ganito?' 'bakit nila sinasaktan ang mga babae?' 'bakit laro lang sa kanila ang pag-ibig?' kung pwede lang sana mabago ang lahat... kung pwede lang niya kontrolin ang tadhana... kung pwede lang siyang maging lalaki. "If I were a boy..." sabi niya sa sarili. Hinding hindi niya gagawin ang lahat ng ginawa sa kanya ni Brent Gonzaga. Hindi niya sasaktan ang isang babae at lalong hindi niya iiwan ito. Pero paano kung sa isang iglap magkatotoo ang lahat? Paano kung maging lalaki siya? Sa katauhan ng isang Brent Gonzaga? May magbabago ba? May mawawala? Makakabalik pa kaya sila sa kanilang mga sarili?Todos los derechos reservados
1 parte