[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa angking kagwapuhan nito, mabait pa itong tao. Binalak niyang landiin si Rio pero hindi siya naging aware sa status nito. Nalaman niyang may asawa't anak na pala ito. Off Limits na. Hindi na pwede. Kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya. Isa pa, bakla siya. Straight ito. Pero paano niya gagawin na itigil ang nararamdaman kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay parati niya itong nakikita at nakakausap. Pinilit niya na umiwas na lamang dahil ito ang mas magandang gawin. Pero pilit talaga silang pinaglalapit ng pagkakataon at hindi niya inaasahan na mai-in love siya rito nang hindi niya namamalayan. Paano na ito? Paano niya haharapin ang kahibangan niyang ito? Magmamahal na nga lang siyang muli, sa isang tao pa na kailanma'y hindi na pwedeng maangkin. ***