Ang mundong minamapa ng koleksiyong ito ay malawak at puno ng ligalig. Dito makikita ang iba’t ibang landas ng mga babae’t lalaking naglalakbay sa buhay na mala-telenovela ang kasalimuotan, pero sa panulat ni Bebang Siy, ang mga kuwento nila—at ang mga kuwento ng mismong may-akda—ay siksik at liglig sa pag-ibig at pag-asa. Awit man sa pagtatapos ng kabataan, namumutawi sa librong ito ang tinig ng kaibigan mong masayang kadaldalan habang nakapila sa MRT o nakikipagsiksikan sa bus sa dulo ng araw, kaibigang kakuwentuhan rin sa department store, sa tiangge, o sa kapihan, kaibigang katrabaho, kapwa guro, kapwa manunulat, kapwa “raketeer,” kapwa ina, kapwa manlalakbay, kaibigang nagpapaalala sa ’yo na kayganda ng mundong ito at hindi ka nag-iisa.
--Anna Sanchez Ishikawa awtor ng Frog Leap and Other Stories, Odd Girl Out, Glamour Games, at Where Your Dreams Come True
Si Nicole, ang Taylor Swift ng campus, ay kilalang playgirl - palaging may bagong love story, palaging may bagong breakup. Pero matapos ang masakit na paghihiwalay kay Chris at ang pangaral ng matalik niyang kaibigan, napagdesisyunan niyang lumayo muna sa gulo ng pag-ibig.
Sa kanyang bakasyon sa Mauban, Quezon, inaasahan niyang makakatagpo ng katahimikan-pero hindi niya inasahan ang pagdating ni Garrett, isang tahimik at isnaberong binatang probinsyano na may sariling kwento ng sakit at pagkawala.
Sa pagitan ng alon ng dagat at mga lihim na hindi mabigkas, makakaya ba nilang pigilan ang isang kwentong hindi nila sinasadyang simulan?