May mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sinuman ang mapadpad o maligaw sa buhay mo, wag kang mag-alala lilipas rin yan. Masaktan ka man nila o pasiyahin balang araw magiging isang ala-ala na lamang sila, mapait man o masaya. May mga bagay talaga na ibinigay sa atin para matuto tayong makalimot sa mga bagay na nagdaan na hindi natin kagustuhan. Mayroon rin namang seasonal na tao diyan. Yan yung mga taong umalis man sa buhay mo, babalik at babalik sila anuman ang mangyari.