At thirty, Masasabi na si Angeline ang buhay na patunay ng mga salitang "NBSB" o no-boyfriend-since-birth. Paano ba naman, busy na nga siya sa trabaho, busy pa siya sa pagpapaimpress sa nanay niya na walang ibang nakikita kundi ang bruhang kapatid niya. Isa pa, ayaw din niyang mag-kalove life dahil natatakot siya na siya ang pagbalingan ng karma na para sa babaerong tatay niya. Buo na ang puso at isip niya na tatanda na siyang dalaga. Pero isang araw, nakilala niya ang guwapo at aroganteng si Aiden Dela Costa, Ang CEO ng kumpanyang nililigawan ng kumpanya niya. Mabuti na lang at nahawakan niya ang panty niya dahil kung hindi ay baka sumama na iyon sa puso niya na tumalbog patungo sa binata. Sa kauna unahang pagkakataon, ang NBSB na si Angeline ay ginustong magka-jowa.