Si Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si Mikael ay nakipaghiwalay sa kanya. Mahal niya ito pero si Mikael ay hindi pala. Hindi siya mahal nito at niloko lang siya. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa ibang bansa para magbago. Para pagbalik niya sa Pilipinas ay makakapaghiganti siya sa mga nanakit sa kanya. Nais mo bang malaman kung paano maghihiganti ang isang wallflower girl? This is The Revenge of Samantha Margaux Wilford.