Mahal mo siya.. Mahal ka niya.. Sobrang mahal niyo ang isa't isa. Yung tipong ipinag laban niyo sa lahat dahil ayaw nila sa relasyon niyong dalawa. Pero paano kung hindi na sapat yung mahal niyo lang ang isa't isa? Paano kung yung isa nasa ibang pahina na at yung isa naiwan sa isang pahina kung saan akala niya ay naroon pa ang isa? Paano kung pareho na kayong hindi nakakabuti para sa isa't isa? Tama bang palayain mo siya para patunayan na mahal mo siyang talaga? O dapat bang manatili ka at tulungan siya kahit alam mo sa sarili mong hindi mo kaya? May babalikan pa nga ba si Jezreel San Vicente matapos niyang piliin ang sa tingin niya ay makakabuti sakanilang dalawa ni Danielyn Dela Cruz, ang babaeng matapos ang ilang taon ay mahal na mahal pa rin niya? May mabuti nga bang naidulot ang sakripisyong ginawa niya limang taon na ang nakakaraan? Makita kayang muli ni Danie ang pag mamahal niya kay Jezreel na matagal na niyang nilimot at binalot ng galit? "But I still love you.." I laugh. It's funny how time changes things. "You know, I once loved you." Then I walked away while tears starts to crawl down my face.All Rights Reserved