Lahat ng bagay mahirap umpisahan. Mahirap mag-aral. Mahirap magpapayat. Mahirap magising sa umaga. Hindi lahat ng bagay, easy at simple. At minsan, sa sobrang hirap, kailangan mo ng tulong at gabay ng mga taong nagpapahalaga sa iyong kalagayan. Masarap bang maging tanga? Minsan ba, naisip mo ano ang nararamdaman ng tanga bago mo sya husgahan? Napagdaanan mo na ba ang hirap at lungkot na pinagdaanan nya dahil sa pagiging tanga? Paano na kung ang tanging paraan lang para mapatunayan na mahal mo sya, ay magpakatanga rin ng malaman mo kung anong dinanas nya? Mali bang magpakatanga sa pagibig? Halos lahat ng tao dumaan sa ganyang sitwasyon. Ang pinagkaiba nga lang, Yung iba, nakamove na na. Yung iba, patuloy paring umaasa.