MICRO.
"Isang tao na nakikipag landian 'in purpose' para ma-fall sya sa kanya. At pag na-fall sya, iiwanan nya sya." - Cassandra Anne Black
"Micro? Basta yan yung pinag sasabay lahat ng babae na nakikilala nya, 'tas pag nag ka-crush sila sa kanya, papaasahin nya sa wala." -Jasmine Guillermo
"Paasa, na malande, na feeling gwapo. Ah! Tsaka mang-iiwan." -Raquel Monte
"Isang tao na nag papaasa ng isang tao alam nyang mahal na siya." - Frances Mae Soriano
Yan yung description nila sa akin. Lahat naman, eh. Pag dadaan ako sa hallways- eto yung mga salita na naririnig ko sa mga bibig nila. Ang weird nga, pathetic pa.
Ganyan lagi. Porket kasi nakikita nila na puro babae kausap ko at 'pinapaasa' ko raw yung mga na-i-inlove or 'fall' sa akin, micro agad. Bawal ba mag take ng pre-caution? Tae, na-fall sila, alangan naman kasing sabihin ko sa kanila na hindi pwede- tsaka nabibigyan ko sila ng isang intimate relationship.
Di ko kasalanan na nalalaglag ang mga puso nila sa mga taong concerned, mabait na katulad ko. Bonus points lang yung fact na nag gigitara ako. Minus points ang pagiging lower section ko at pagiging tanga. Pero na-fall parin sila. Kaya lang naman sila napapa-asa kasi ayaw ko sa kanila.
Pero, sa katotohanan, di lang ako 'micro', 'breezy' pa.
Ako si Justine Marco Antonio. Also known as 'Haring Micro'.
Cover by: Lolliwriter