“Sweetie, Nangako ako sa’yo na ligawan ka pagnageighteen ka na at alam ko na hindi ko yun tinupad, pero andito na ulit ako para tuparin ang pangako ko sa’yo na pakasalan ka ngayong twenty-five ka na. H’wag mo nang itanong kung bakit dahil noon pa man minahal na kita”. Sino nga ba sa atin ang hindi umasa sa pangako? Lalo na kung ang pangakong ito ay binitawan ng taong pinagkakatiwalaan mo ng buong puso at ng taong pinakakamahal mo. Enzo was seveteen years old when he made a promise to court Ysabelle Castillo when she reach the age of 18 and marry her at the age of 25. Na labis namang pinaniwalaan ng pitong taong gulang na batang si Ysabelle. Yes, Pitong taong gulang pa lang si Ysabelle nang magsimulang tumibok ang kanyang puso para sa kabitbahay at bestfriend ng kuya niyang si Enzo Dominguez. Kahit bata pa lang si Ysabelle ay alam niyang mahal na mahal na niya ito at tanging si Enzo lamang ang gusto niyang pakasalan paglaki niya. Ngunit, paano kung sa paglipas ng panahon ay hindi na maalala ni Enzo ang kanyang mga pangako? Handa ba si Ysabelle na gawin lahat para lang ipaalala kay Enzo ang mga nakalimutan nitong mga pangako gayong nakatakda na itong ikasal sa bestfriend at pinsan niya?Tüm hakları saklıdır
1 bölüm