(NOTE: SOME PARTS ARE BASED ON A TRUE STORY) Pagkahumaling sa isang taong malayo ang agwat ng edad sayo. 'Di na bago sa lahat yan ngayon. Ang dami na ngang may ganyang relasyon diba? Si Casey na 19 years old ay hindi agree sa ganyan kesyo ang layo nga ng agwat at iba ang level ng maturity ng bawat isa. Sabi pa niya sa sarili niya na hinding-hindi siya maiinlove sa taong malayo ang agwat sa kanya. Pero crush niya si Sir Levi na 25 years old naman. Alam naman ni Casey sa sarili niya na hanggang crush lang siya dun kay Sir Levi kahit ang bait-bait nito sa kanya. Pero kung ang isang pangyayaring tinatawag na SERENDIPITY ang magpapagulo sa kanyang isip, magagawa pa rin ba niyang pigilan ang dapat pigilan o magagawa niyang sirain ang sarili niyang paniniwala?