Naranasan mo na bang ma-fall in love??? yung tipong Hindi kompleto ang araw mo pag di mo siya nakikita. yung tipong nasasaktan ka pag nasasaktan siya. nalulungkot ka pag nalulungkot siya. mas masaya ka pag masaya siya at nag-aalala ka pag di mo siya nakikita. Yung tipong gagawin mo lahat ng kaya mo maiparamdam mo lang sa kanya na mahal mo siya, na Hindi siya nag-iisa, na may taong handang makinig sa kanya, na may taong handang sumoporta sa Kanya , at taong tanggap siya kung ano siya. AKO? Oo... Minsan na akong na-in love, nagulumihanan at nasaktan. pero kailanman di ko pinagsisihan na minahal ko ang isang tulad niya. di ko pinagsisihan na sobra akong nasaktan sa mga pambabalewalang ginawa niya. Sabi ko never akong susuko. pero nakakapagod din palang magmahal no. nakakapagod pa lang maghintay. nakakapagod pa lang lumaban lalo na kung ikaw lang pala ang lumalaban. nakakapagod umasa. pero at the end of the day, nakikita ko na lang ang sarili Kong bumabalik sa kanya kasi mahal ko SIYA ..All Rights Reserved
1 part