Matagal ng magkakilala si Kia Gonzaga at si Kyzer Alcantara. Aso't pusa, ganiyan sila kung maituturing. Gustong gusto nilang binabara ang bawat isa. Hindi natatapos ang isang araw ng walang away na namamagitan sa kanila. Hanggang sa isang araw, may isang transferee na nakakuha ng atensyon ni Kia. Siya si Kurt Salazar. Isang lalaking ubod ng gwapo na siya din ang gusto. Sobrang tuwa na sana ni Kia dahil gusto din siya ng taong gusto niya pero, "Hindi pwede brad, may date kami ng girlfriend ko." Halos isumpa niya si Kyzer dahil sa pahayag niya na ito. Paanong magiging sila ni Kurt kung sinabi ni Kyzer na may relasyon sila kahit wala naman? ** "Ikaw lang." "Ikaw lang talaga baby baboy." "Baby baboy ko, ikaw lang talaga ang babaeng mahal ko." "Baby baboy ko, ikaw lang ang babae sa buhay ko pero syempre, except sa mommy ko." ~~~~ "Ako lang talaga! Ako lang..ako lang." and then I cried. Sino nga ba ang kausap ni Kia? At bakit siya umiiyak?