"panaginip"- dito nagsimula ang lahat. Sino ba naman ang mag-aakala na mababago at mailalapit ng isang panaginip ang buhay ng dalawang taong nasa magkabilang parte ng mundo. "Imposible." Ito ang nais na paniwalaan ni Alec at Leigh. Pero kahit ano man ang sabihin nila, hindi na maitatanggi ang katotohanang konektado ang kanilang mga buhay, noon pa.