Umattend ng party si Nongmin Sena para sa birthday party ng kanyang unrequited love slash bestfriend na si Anthony pero di niya akalain na makikita niya itong may kayakap at kahalikang babae sa dancefloor. Di siya nakahuma at aksidenteng napayakap siya sa lalaking nabunggo niya at dun humagulgol.
Nabigla naman si Mark Louie sa pagyakap ng isang babaeng umiiyak ng maligaw siya sa kakahanap sa bestfriend niya sa isang birthday party ng isang kaibigan ng bestfriend.
Isang broken-hearted at isang hindi pa nakaranas magkagirlfriend ang nagkaroon ng isang mutual silent non-committed relationship.
Naging constant companion ni Nongmin si Mark Louie at nagsilbing knight-in-shing-armor din ito ng dalaga. Hanggang sa di inaasahan, umusbong ang feelings niya, na akala niya ay sa bestfriend niya lang mararanasan.
Naging okay naman ang takbo ng relasyon nila kahit di mawari ni Nongmin kung ano ang nararamdaman ng binata sa kanya. Hanggang sa isang araw ay nakita na lang niya si Mark Louie na may kayakap sa bar, kung saan niya nakita si Anthony noon.
But this time, hindi lang siya naiyak. Kasi sobrang sakit pala. Doble ang sakit ng nangyari sa kanila ng bestfriend niya.