Ang lapit-lapit mo pero hindi kita mahawakan o makausap man lang.. hanggang tingin at sulyap lang bang kaya kung magawa. Para kang bituin sa langit na kumikinang, hindi ko kayang hawakan kundi titigan ko na lang. My love for you seems so unreachable.. Kahit kailan man ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito ka tinding paghanga sa isang tao. Sayo lang, sayo lang tumitibok ng ganito kabilis ang puso ko sana ganito rin ako sayo. Pero I know, I am just one of your admirers, may iba pa diyan na mas malala pa sa akin, mas mahal ka, mas may kayang gawin ang mga imposible. Sa dagat ng taga hanga mo hindi na ako mag-aakala na mapansin mo.