"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, 'Not." malungkot na sagot niya. "Pano naman kung ikaw na ang ma-in-love, anong gagawin mo?" "Hindi naman mangyayari yun!" mariing tanggi niya. Hindi naman kasi niya crush si Venger, kaya malabong ma-inlove siya dito. ...pero tinatraydor yata siya ng puso niya. Posible kaya talagang ma-inlove ka sa taong 'di mo naman crush? Hindi niya kasi alam kung ano ba dapat ang maramdaman niya ngayon. Guilt? Inis? Saya? Or na-i-inlove na rin ba siya? Pero hindi siya si Rezny... Si Louella siya.