Isang pagmamahal na hindi mapapantayan ng kahit na ano o sino pa man. Ang pagmamahal niya, ay walang hanggan. Pero, hanggang kailan mo siya babalewalain? Kapag nawala na siya sa iyo o ikaw ang mawala sa kanya?
Naranasan mo na bang mawalan ng minamahal? Mahal ka niya hindi mo naman siya mahal. Yung mahal mo siya ngunit hindi ka naman niya mahal. Yung mahal niyo ang isa't isa ngunit hindi kayo pwede. Yung nang iwan sayo. Nakipaghiwalay sayo. Lumayo sayo o yung mas masakit wala na talaga siya.