Sa bawat pagtulo ng aking luha,
mga masasayang alaala ang nanunumbalik.
Pinilit na baguhin ang tadhana, ngunit may magagawa pa nga ba?
Para nga ba'ng isa 'tong propesiya na matagal ng nakatakda.
-
Pinilit kong itinago ang nararamdaman upang ika'y hindi maguluhan.
Pasensya na mahal kung ako ang dahilan ng iyong pagdurusa,
kaya naman sa aking pag-alis sana'y ika'y maging masaya.
Ngunit pakatandaan mo na ang lahat ng aking ginawa ay hindi ko pinagsisisihan,
ano nga ba'ng pagkakamali, ang mahalin ka ng lubusan?
-
-
'A.X.E.L" ang MGA pangalan na tumatak sa isip ng lahat. Pangalan na gumawa ng isang malaking bagay upang mamulat ang iba kung ano nga ba ang pagmamahal. Ikaw, kung mapaglalaruan ka ng tadhana, makakangiti ka pa kaya?Todos os Direitos Reservados