
Pumasok ako eskwelahan dala ang bag kong puno ng pag-asang magkikita tayong muli. Marami akong baong pagtitiwala para di ako magutom sa kakahintay. Ang notebook ko ay puno ng mga pangako mo na paulit ulit kong binabasa para hindi mabaon sa limot ng isang naghihintay na ako. Ninanamnam ko ang bawat aral ng buhay na natututunan kong kainin kahit lasang pangungulila, sakripisyo at kalungkutan. Sa 'yong pagkawala marami akong natutunan, hindi pala lahat tinuturo sa eskwelahan...All Rights Reserved
1 part