Tanong ko lang, bukas na ba ang third eye mo? Nakikita mo ba sila? Nariring? Nararamdaman? Kung hindi pa, ang swerte mo! Ang hirap kasi pag alam mo may nakatayo, o may bumubulong, at lalo na nararamdaman mo. Oo nakikita ko sila, paminsan binabale wala ko lang. Pero para bang alam nila may third eye ka? Kasi sa kahit anong pilit na hindi mo sila pansinin, sumusunod sila. Maaring naloloko na ako o may sira ang mata ko, pero masasabi pa ba yan kung dalawa kayo nakakakita? Matagal na nang nabuksan ang third eye ko. Bata pa ako nang biniyayaan ako ng kamalasan sa swerte. Akalain mo, sa lahat ng taong may gustong makakita ng multo sa sinasabi nilang "thrill of a liftetime". Sa tingin kaya nila magiging thrill pa ang mga pangyayaring mas nakakatakot pa sa horror movies ng thai at korean. Para bang buong buhay ko horror movie na. (Magandang basahin ang mga kwento gamit ang scroll page)