Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Sabrina, anong pipiliin mo yung taong nakatadhana sayo o yung taong balak mong makasama habang buhay? Yun bang taong matagal ka ng iniwan at pilit mong iniiwasan pero patuloy paring pinagtatagpo ang inyong mga landas kahit hindi nyo gustuhin. O yung taong alam mo sa sarili mo na sya yung nais mong makasama sa bawat pagsubok na dapat mong lampasan, sa problemang dapat mong solusyonan at sa kalungkutan at kasiyahan ng iyong buhay pero parang ang paligid nyo ay hadlang sa inyo. Si destiny kahit hindi mo hanapin, bigla bigla mo nalang nakikita. Si infinity kelangan mo pang hanapin at hintayin para lang makita mo. Sino ba talaga? Bigla nalang dadating sa point na habang mahal mona yung isa, bigla ulit babalik yung isa para bulabugin at guluhin ka. Pero no choice ka kase kelangan mong kalimutan yung nakaraan para hindi masira yung kasalukuyan. At wala kang magagawa kungdi sundin ang nakatadhana. Kelangan mo lang sabayan ang agos ng buhay. Hindi mo kelangan ikulong yung sarili mo sa nakaraan. Kelangan mo ding bigyang pansin ang pangkasulukuyan. Eto na yung mga sagot sa tanong kanina, pero hindi pa din alam ni Sabrina kung sino yung pipiliin nya. May isang tanong pa kasi ang namumutawi sa isip nya, "destiny o infinity?".All Rights Reserved