Paano kapag bumalik siya? Paano kapag bumalik si TOTGA? Paano kapag bumalik yung taong, nanakit sayo ng paulit-ulit, kahit iniwan ka ng paulit-ulit nagagawa mo paring balikan, yung taong ikaw na mismo ang nakahuli na niloloko ka pala at nagawa kang ipagsabay sa iba? Yung taong ginawa kang TANGA sa kabila ng pagmamahal na binigay mo sa kanya na halos wala ka ng natirang pagmamahal para sa sarili mo. Yung taong minahal mo na nga ng sobra pa sa salitang 'sobra' ay nagawa ka paring iwan at saktan. Paano kapag bumalik sya? Would you still accept him? What if bumalik na yung 'The One That Got Away'? Bibigyan mo pa ba? Will you still give him a Second Chance?
Isa ka ba sa mga NAGPAKATANGA dati dahil sa isang tao na akala mo ay HINDI KA IIWAN AT HINDI KA SASAKTAN? Well, nababagay ang kwentong to sayo. Sana may makuha kang lesson. (Charot lang )
May posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?