Lost in the Woods ✔️ (COMPLETED)
25 parts Complete MatureAlam kung nagtataka sila pero di ko na kayang magtagal pa sa forest na ito. I don't feel safe at natatakot ako na may mangyari sa amin na di maganda.
Nag umpisa na kami maglakad at sinundan lang namin ang daan na dinaanan namin kahapon.
Kapansin pansin talaga ang sobrang tahimik ng forest na ito na ang mismong naririnig lang ay ang mga yapak ng paa namin.
Napalingon ako sa likod at napansing kumakain sila.
Nag aagawan pa sila Angelo at Jane sa crackers.
Yung iba naman tahimik lang na kumakain at naglalakad.
"Di ka kakain bro" napalingon naman ako sa kaliwa ko at nakita ko si Vince.
Sa totoo lang, wala ako gana kumain simula ng nangyari kagabi. Hanggang sa pagtulog iniisip ko lang na makaalis na sa lugar na ito.
Napili ko na wag na lang sabihin sa kanila ang nangyari tungkol kagabi para di sila matakot at mag panic.
"I'm fine, mamaya na lang siguro."
At ibinalik ang tingin sa daan.
Kailangan na namin makaalis dito.
Hindi na maganda ang pakiramdam ko....
----------
Please support my first story 😊
----------
TAGALOG - ENGLISH