Isang prinsesa na naghahanap ng isang kalayaan sa kanyang sariling kaharian. At dahil sa may naganap na awayan sa pagitan ng kalaban na gustong kumuha sa kanya at sa kanilang kaharian ay papapuntahin siya ng kanyang mga magulang sa hindi niya kilala na mundo na ang pangalan ay Planetang Earth. Sa pagtapak niya sa Planetang iyon ay makakasalamuha niya ang ibat ibang tao at mga kakaibang bagay na hindi niya kilala. At sa unang pagtapak niya sa mundong iyon ay lalaki ang unang makakakita sa kanya sa paraang wala man lang siyang kahit na ano na kasuotan. Isang lalaki na sa kanya na ang lahat at merong napakagandang buhay nang may biglang may nakita siyang babaeng inosenteng nakahubad sa kwarto niya. Ano kayang gagawin niya sa babaeng ito? Mabubuhay kaya ng maayos ang Prinsesa sa napiling Planeta na kung saan siya ipinadala ng kanyang pamilya? Magkakasundo ba ang dalawang Tao na galing sa magkaibang mundo ?