Maraming naniniwala sa kasabihang, 'Friends can be Lovers, but Lovers cannot be Friends', bakit kaya? Siguro dahil karamihan ng mga umiibig ngayon ay nagsimula sa 'pagkakaibigan' na nauwi sa 'pag-iibigan' na hindi naglaon ay nauwi rin sa masakit na hiwalayan. Ang saklap ano? Pero paano nga ba ang tamang paggamit ng 'pagkakaibigan' para magtagal ang 'pag-iibigan' ng dalawang tao? Paano kung dumating ang araw na kailangan na nilang maghiwalay, magagawa kaya nilang maging magkaibigan man lang? Halina't alamin natin ang kahihinatnan ng pagtatagpo ng dalawang taong magkaiba ang ugali, pananaw at estado sa buhay. Mapatunayan kaya nila ang kasabihan o silang ang magpapatunay na maaaring mag-ibigan ang magkaibigan at maging magkaibigan ang dating nag-iibigan.
12 parts