Talented, athletic, with sense of humor at loyal..... Yan si Alfred Evangelista na isang varsity player at campus crush. Sobrang dedicated sa studies at sa kanyang girlfriend na si Lizzette Madriaga.... Kay Lizzette lang umiikot ang mundo nya sa loob ng mag - aapat na taon. Pero nagmistulang miserable ang buhay nya nang iwan sya ni Lizzette na piliin ang career over their relationship bilang comercial model at ipagpalit sa ibang lalaki.... Nawalan ng tiwala sa sarili, naging manhid sa pag ibig, pabaya sa pag - aaral at naging playboy. Inisip na dapat ding saktan ang lahat ng taong magmamahal sa kanya. Pagkatapos paibigin ay iiwang luhaan. Hanggang sa makilala nya sa di inaasahang pagkakataon si Jeffrey Mendoza, isang transferee galing sa ibang university. Mabait, mapagmahal, at maunawain. Ang taong nagturo sa kanya upang magmahal muli, nagpasaya at muling nagbigay ngiti sa kanyang mga labi. At mahalin sya ng higit pa sa inaasahan nya.... Paano nya matitimbang ang nararamdaman kung ang dating girlfriend nyang si Lizzette ay muling magbabalik sa kanyang buhay gayung si Jeffrey na ang laman ng kanyang puso't isipan?